Linggo, Pebrero 14, 2016

CULTURAL CENTER of the PHILIPPINES (CCP)

CULTURAL CENTER of the PHILIPPINES

Kung kapos ka sa pera at gusto mo maka punta sa magandang pasyalan kasama ang pamilya , may lugar sa Pasay City na tiyak na gugustuhin mo ng mapuntahan. Kung nais mo rin ng lugar para mag ehersisyo , dito ka na magtungo. Tara na at magtungo sa CULTURAL CENTER of the PHILIPPINES (CCP).

Tiyak na magugustuhan mo ang lugar na ito sapagkat dito nagaganap ang iba't ibang gawain tungkol sa kultura at sining ng ating bansa. Dito rin dinaraos ang PASINAYA kung saan lahat ng mga tinatanghal dito ay tungkol sa sining at kultura ng pilipinas , ito ay tinatanghal ng iba't ibang kolehiyo sa pilipinas. Ang PASINAYA ay nagaganap tuwing ika-7 ng Pebrero.


photo by RICHARD REYES
Pasinaya 2016 People's Gala


KARAGDAGANG INPORMASYON

Ang pasinaya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1969 ay simula ng pagkakaroon ng tahanan para sa sining. Nilikha ang CCP sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 30 na ang layunin ay itaguyod at pangalagaan ang mga sining at kulturang Pilipino. Ang unang pangulo ng CCP ay si Jaime Zobel de Ayala na inatasan upang magbuo ng organisasyon ng pamamahala. Ito'y pormal na napasinaya sa pagbubukas noong 8 Setyembre 1969 nina Pangulong Ferdinand E. Marcos at Unang Ginang Imelda R. Marcos sa pamamagitan ng pagbubukas ng pangmusikang palabas na Gintong Salakot: Isang Dularawan, isang epiko na naglalarawan ng Pulo ng Panay at pagsisimula ng tatlong-buwang pampasinayang pagdiriwang. Dinaluhan ang pormal na pasinaya ng CCP ng mga mahahalagang panauhin, kabilang dito ay ang gobernador ng California na si Ronald Reagan at ang kanyang maybahay, na kumakatawan para kay Richard Nixon, pangulo ng Mga Nagkakaisang Estado.

Mula sa pagkatatag nito, ang CCP ay nagsusumikap na maabot upang malangkap ang logo ng katotohanan, kagandahan at kabutihan. Dinisenyo ang logong ito na hinango sa sinaunang pagsusulat na Alibata ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal.


Sina Pangulong Ferdinand E. Marcos at Gob. at G. Ronald Reaganng California sa pagbubukas ng CCP.


Ref:https://tl.wikipedia.org/wiki/Sentrong_Pangkultura_ng_Pilipinas#Kasaysayan


-JOEL R URIBE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento