Lunes, Pebrero 15, 2016

POTATO CHIEFS COMMERCIAL BLOG


Commercial Shoot in Pasay




https://youtu.be/5Epe_S137pI



Nakitang Ganapan


World Trade Center



     Ang World Trade Center ay isang lugar kung saan ginaganap ang karamihan ng venue sa Pilipinas. Bukod sa malaki ang lugar na ito sikat rin ito dahil napakalapit lang nito sa metro manila ang ilan sa mga event na naganap dito ay APEC,G12 conference,BAZAAR at marami pang iba. 

     Isang beses palang akong nakakapasok sa loob ng World trade center ng dumalo ako sa G12 conference at base sa nasaksihan at nakita ko sa loob nito talaga ngang napakalaki ng World Trade Center.

Simbahan Naman




Shrine Of St. Therese



    
        Isa sa mga lugar na napuntahan namin ay ang simbahan ng Shrine of St. Therese na matatagpuan sa Pasay. Ang simbahang ito ay may taglay na kakaibang desinyo at kung makikita ninyo ito ng personal ay talagang mamamangha kayo sa ganda ng desinyo nito. Ang simbahang ito ay talaga namang sikat lalo na sa mga nagpaplanong mag pakasal dahil bukod sa simbahan na may reception hall pa dito o diba saan ka pa ang Astig ng simbahan na to.

STAR CITY ON THE GO


STAR CITY






     Mga kapanapanabik na mga rides ba ang hanap mo? Gaya Zyklon Loop, Wild River, Star Flyer, Spring Ride, Giant Wheel, Viking?? Bakit Hindi nyo subukang pumunta sa starcity?

     Ang Star city isang napakandang amusement park na sumusukat ng 35,000 m² at ito ay matatagpuan lamang sa tabi ng Cultural Center of the Philippines

Kaya kung Adventure,Excitement at Happiness ang hanap mo? Tara na sa Star City na More Rides More fun.

Linggo, Pebrero 14, 2016

M N L




Misteryosong Napakagandang Lugar

Lugar malapit sa NAIA



       Isa sa mga kapansin-pansing lugar na aming napuntahan ay ang lugar na malapit sa may NAIA. Hindi ko alam ang pangalan ng lugar na ito. Nang una namin itong nakita ay talaga namang naantig na ko ang dadamdamin ko sa sonbrang ganda ng tanawin dito. At dahil malawak ang damuhan dito ay maraming maaring magawa dito tulad ng pag-pipicnik,paglalaro,pagpapraktie,pag so-soulsearching at marami pang iba Bukod sa maganda na ang lugar na ito libre pa. Opo libre lang ang pagpunta sa lugar na ito walang entrance fee o kung ano pa man. Ang kailangan ninyo lang bayaran ay ang pamasahe papunta dito at ang inyong mga makakain.
       
       At kung relaxing moment lang naman ang hanap mo punta kana dito at nasisigurado ko sayo na mawawala ang iyong mga problema at gagaan ang inyong pakiramdam dahil sa sunset na nasasaksihan dito.

Cartimar


Cartimar 




Isa sa kadalasan na pinupuntahan sa pasay ay ang “CARTIMAR” na matatagpuan sa lugar ng libertad
Kadalasan ito dinadayuhan ng mga tao dahil sa laki ng lugar na ito.













Makikita ang ibat ibang mga uri ng hayop na ibinebenta .
At ang pumatok ditto ay ang ibat ibang klase ng mga ISDA at iba pang mga hayop na pwedeng alagaan
Gaya na lamang ng mga IBON , ASO AT PUSA.
Makikita din dito ang ibat ibang mga kagamitan na kadalasang ginagamit ng tao gaya ng mga BIKE , MOTOR , GAMIT SA SALA at iba pa na karaniwang sinasabi ng iba “MURA NA , MATIBAY PA” O diba patok.
At syempre naman sa pag punta sa “CARTIMAR” kung ikaw naman ay nagugutom , maraming ibat ibang pagkain ditto. At syempre meron ding sariling food court.
Hindi naman mag papahuli ditto ang mga food stand na kadalasang nakikita natin palagi.
Ang SHAWARMA , MASTER SIOMAI , BUKO SHAKE at  iba pa , O astig diba?
Siguradong magpapasaya itong lugar na ito sa iyo. Kaya kung intiresado ka punta na .
Dahil sasalubungin ka ng mga naggagandahang mga banderitas na kala moy lagging fiesta . kaya punta na at Makita ang lugar ng puno ng buhay at ligaya dito lang sa “CARTIMAR”

-REIMARC CRUZ


CULTURAL CENTER of the PHILIPPINES (CCP)

CULTURAL CENTER of the PHILIPPINES

Kung kapos ka sa pera at gusto mo maka punta sa magandang pasyalan kasama ang pamilya , may lugar sa Pasay City na tiyak na gugustuhin mo ng mapuntahan. Kung nais mo rin ng lugar para mag ehersisyo , dito ka na magtungo. Tara na at magtungo sa CULTURAL CENTER of the PHILIPPINES (CCP).

Tiyak na magugustuhan mo ang lugar na ito sapagkat dito nagaganap ang iba't ibang gawain tungkol sa kultura at sining ng ating bansa. Dito rin dinaraos ang PASINAYA kung saan lahat ng mga tinatanghal dito ay tungkol sa sining at kultura ng pilipinas , ito ay tinatanghal ng iba't ibang kolehiyo sa pilipinas. Ang PASINAYA ay nagaganap tuwing ika-7 ng Pebrero.


photo by RICHARD REYES
Pasinaya 2016 People's Gala


KARAGDAGANG INPORMASYON

Ang pasinaya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1969 ay simula ng pagkakaroon ng tahanan para sa sining. Nilikha ang CCP sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 30 na ang layunin ay itaguyod at pangalagaan ang mga sining at kulturang Pilipino. Ang unang pangulo ng CCP ay si Jaime Zobel de Ayala na inatasan upang magbuo ng organisasyon ng pamamahala. Ito'y pormal na napasinaya sa pagbubukas noong 8 Setyembre 1969 nina Pangulong Ferdinand E. Marcos at Unang Ginang Imelda R. Marcos sa pamamagitan ng pagbubukas ng pangmusikang palabas na Gintong Salakot: Isang Dularawan, isang epiko na naglalarawan ng Pulo ng Panay at pagsisimula ng tatlong-buwang pampasinayang pagdiriwang. Dinaluhan ang pormal na pasinaya ng CCP ng mga mahahalagang panauhin, kabilang dito ay ang gobernador ng California na si Ronald Reagan at ang kanyang maybahay, na kumakatawan para kay Richard Nixon, pangulo ng Mga Nagkakaisang Estado.

Mula sa pagkatatag nito, ang CCP ay nagsusumikap na maabot upang malangkap ang logo ng katotohanan, kagandahan at kabutihan. Dinisenyo ang logong ito na hinango sa sinaunang pagsusulat na Alibata ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal.


Sina Pangulong Ferdinand E. Marcos at Gob. at G. Ronald Reaganng California sa pagbubukas ng CCP.


Ref:https://tl.wikipedia.org/wiki/Sentrong_Pangkultura_ng_Pilipinas#Kasaysayan


-JOEL R URIBE

SM MALL OF ASIA (MOA)


PUNTA NA SA SM MOA

Ngayong nalalapit na ang tag-araw o summer marami sa atin ang pupunta sa ibat-ibang lugar tulad ng baguio,tagaytay,boracay at iba pang mga lugar. Ngunit pano kung kapos sa budget? Huwag mag-alala dahil merong lugar na maari nating mapuntahan na talaga namang swak sa budget at nakaka presko pa ng pakiramdam ito ang moa o sm mall of asia na matatagpuan lamang sa Pasay.


Bukod sa malamig sa moa na talaga namang sakto sa summer marami ka ring mabibiling mga ibat-ibang bagay dito. At kung sakaling magutom man kayo wag mag-alala dahil narapakaraming mga kainan ang mapagpipilian dito merong fastfood,retaurant,foodcourt at marami pang iba. Hindi lang yun maaari ka pang makapanood ng ibat-ibang pelikula dito dahil meron rin ditong sm cinema.


Bukod sa pampalamig marami ring mga magagandang tanawin ang matataqgpuan dito tulad ng Globo dito na nagliliwanag at nag-nining tuwing sasapit ang gabi na talaga namang ma eenjoy ng karamihan sa atin.


Dito rin pala matatagpuan ang seaside na kung saan nakikita ang paglubog ng araw na talaga namang nakaaantig ng damdamin at nakakagaan sa ating mga pakiramdam at kung sakali mang tayo'y nasaktan o may dinadamdam inirerekomenda ko na punta dito dahil malaking tulong ang dulot nito sainyo.


Meron rin ditong themepark na kung saan maari kang makasakay ng mga rides ng hindi napapalayo sa inyong tahanan diba ang lapit lang? Ang pinakasikat na ride dito ay ang tinatawag na moa's eye. Ang moa's eye ay isang napakataas na ferris wheel na kung saan talaga namang makikita mo ang ibat-ibang magagandang tanawin sa ibaba.
  

Matatagpuan rin dito ang Moa arena na kung saan ginaganap ang mga concert ng mga ibat-ibang mga sikat na singer sa buong mundo. O diba enjoy pwedeng pwede kang manuod ng mga concerts dito kaso ngalang mapapagastos ka ng kaunti Pero talagang sulit.


At ang panghuling maaring mapuntahan dito ay ang simbahan ng Shrine of Jesus.
O diba napakaraming mga lugar ang maari nating mapuntahan sa Moa ng hindi gumagastos ng malaki. San ka pa punta na dito sa Moa. 

- CHESTER FITZGERALD DE LA CRUZ